|
||||||||
|
||
有(yǒu)空(kòng)儿(er)一(yì)起(qǐ)吃(chī)饭(fàn) 吧(ba)
20150624Aralin59Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Pangatlong pangungusap: Maaari ba tayong kumain sa labas kung wala kang gagawin?
有(yǒu)空(kòng)儿(er)一(yì)起(qǐ)吃(chī)饭(fàn) 吧(ba)?
有(yǒu), mayroon; 有(yǒu)空(kòng)儿, magkaroon ng malayang oras.
一(yì)起(qǐ), nang magkasama o nang sabay.
吃(chī)饭(fàn), kumain.
吧(ba), katagang panghiling na nasa hulihan ng pangungusap.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 有空儿(yǒukònger)一起(yìqǐ)吃饭(chīfàn)吧(ba)?Puwede ba tayong kumain sa labas kung wala kang gagawin?
B: 好(hǎo)。什么(shénme)时候(shíhòu)呢(ne)?Okey. Kelan?
A: 明天晚上(míngtiānwǎnshang)可以(kěyǐ)吗(ma)?Kung bukas ng gabi?
B: 可以(kěyǐ),没(méi)问题(wèntí)。Puwede. Walang problema.
Pang-apat, "napakaganda mo naman."
你(nǐ)真(zhēn)漂(piào)亮(liang)!
你(nǐ), ikaw o ka.
真(zhēn), talaga.
漂(piào)亮(liang), maganda.
Mas gusto ng mga babae na magsabi ng 谢(xiè)谢(xiè) na nangangahulugang salamat pagkaraang tumanggap ng papuri.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 你(nǐ)真(zhēn)漂(piào)亮(liang)!Napakaganda mo naman!
B: 谢(xiè)谢(xiè)!Salamat.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Sa panahong ito, ang pagpunta sa disko ay isa pa ring bagay na kinahuhumalingan ng marami, lalo na ng mga kabataan. Ang tag-init ay pinakamagandang panahon para sa pagpunta sa mga diskuhan, kung saan maaaring kumanta, sumayaw at masayang makapanood ng mga palabas. Bukod diyan, sa disko, maaari ring makakuwentuhan ang mga barkada. Sa pinakamagandang disco club sa Beijing, ang pinaka-haytek na nagsasayawang ilaw o disco lights ay sinasaliwan ng musikang Tsino at dayuhan. Ito ay bago at kakaibang istilo. Ang mga club na ito ay gumagamit din ng mga stereo at lighting system na primera klase at kumukuha rin ng magagaling na DJ mula sa ibang bansa.
At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |