|
||||||||
|
||
你(nǐ)学(xué)什(shén)么(me)专(zhuān)业(yè) 我们(wǒmen)的(de)课(kè)很(hěn)有意思(yǒuyìsi)
20150528Aralin55Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa nakaraang aralin, pinag-usapan natin ang tamang paraan ng pagsasabi ng mga bagay-bagay sa wikang Tsino sa loob ng aklatan. Talaga namang nakakapagpaluwag ng pakiramdam ang paglalakad sa kampus. Naalala ko tuloy ang mga panahon na nasa kolehiyo pa ako. Para sa ating leksyon sa linggong ito, tutulungan namin kayong makipagkuwentuhan sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Una: Ano ang medyor mo?
你(nǐ)学(xué)什(shén)么(me)专(zhuān)业(yè)?
你(nǐ), ikaw o ka.
学(xué), pag-aralan o matutuhan.
什(shén)么(me), ano.
专(zhuān)业(yè), medyor.
Narito ang unang usapan:
A: 你(nǐ)学(xué)什(shén)么(me)专(zhuān)业(yè)?Ano ang medyor mo?
B: 我(wǒ)学(xué)经(jīng)济(jì)。Nagmemedyor ako sa ekonomiks.
Sobrang kawili-wili ang mga leksyon namin.
我(wǒ)们(men)的(de)课(kè)很(hěn)有(yǒu)意(yì)思(si).
我(wǒ)们(men), kami; 的(de), kataga na kasunod ng panghalip panao na nagpapahiwatig ng pag-aari sa isang kakayahan, bagay, lugar, etc. 我(wǒ)们(men)的(de), namin o amin.
课(kè), leksyon o aralin.
很(hěn), sobra, labis o nagpapahiwatig ng unlaping "napaka" o pag-uulit ng salita.
有(yǒu)意(yì)思(si), kawili-wili.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 你(nǐ)喜欢(xǐhuan)你(nǐ)的(de)专业(zhuānyè)吗(ma)?Gusto mo ba ang medyor mo?
B: 喜欢(xǐhuan)。我们(wǒmen)的(de)课(kè)很(hěn)有意思(yǒuyìsi)。Siyempre. Sobrang kawili-wili ang mga leksyon namin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |