Malacanang, binalikan si Pangalawang Pangulong Binay
SINABI ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na sa pagsisimula ng bagong bahagi ng kanyang buhay, naging kakaiba ang tinahak na landas ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay.
Ito ang kanyang pahayag mga ilang minuto matapos ang maikling talumpati ni Pangalawang Pangulong Binay mula sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace sa Pasay City.
Namasdan ng pamahalaan ang mga nagawa ni G. Binay sa gabinete sa nakalipas na limang taon. Walang anumang pagkakataong nagsalita siya ng masama tungkol kay Pangulong Aquino at sa istilo nito ng pamamalakad sa pamahalaan. Nagkataon nga lamang na pinili niya na magsalita ng mga bagay na nararapat nabanggit niya ng personal kay Pangulong Aquino subalit hindi niya ito kinilala.
1 2 3 4 5