|
||||||||
|
||
Asssitant Cameraman ng CNN Philippines, binaril, patay
ISANG assistant cameraman ng CNN Philippines na patungo sa trabaho ang binaril at napatay ng mga 'di pa kilalang tao sa Imus City, Cavite.
Ang 29 na taong-gulang na si Jonathan Oldan ay binaril ng ilang ulit sa ulo ng mga 'di pa kilalang tao kaninang pasado alas singko ng umaga.
Ayon kay Sr. Supt. Jonnel Estomo, Cavite Provincial Police drector, si Oldan ay napatay sa Bukaneg Street sa Barangay Pinagbuklod. Nakatakas ang mga namaril sa 'di malamang direksyon.
Nakatalaga si Oldan sa Department of Justice at sa Supreme Court of the Philippines. Hindi mabatid ng kanyang mga kasama sa trabaho kung bakit pinatay ang biktima.
Isang single parent na nag-aalaga sa kanyang munting anak na lalaki ang biktima.
Hanggang kaninang ika-11 ng umaga, inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril.
Sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines, kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaril, si Oldan ang ikatlong media worker na napatay ngayong taon, ika-27 sa ilalim ng Aquino Administration at ika167 mula noong 1986.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |