|
||||||||
|
||
Imports ng Pilipinas, nabawasan noong Abril
NAGKAROON ng pagbaba ng 12.8% ang total mechandise imports noong Abril. Sa ganitong pangyayari, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pangangailangan para sa kapital at consumer goods ay nananatiling malakas.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority, ang merchandize imports ay bumaba at umabot na lamang sa US$ 4.7 bilyon noong Abril ng taong ito kung ihahambing sa US$ 5.4 bilyon noong Abril 2014.
Ang pagbaba ng imported mineral fuels at lubricants (-53.9%) at raw materials at intermediate goods (12.8%) noong Abril ng taong ito ang naging dahilan ng pagbaba sa imports. Napuna rin ng pamahalaan ang double-digit increase sa importation ng consumer (30.3%) at capital goods (13.%).
Ayon kay Secretary Arsenio M. Balisacan, ang datos para sa capital at consumer goods ang nagpapakita ng upbeat outlook sa durable goods (17.1%) at non-durable goods (43.4%). Tumaas ang benta ng pampasaherong kotse at mga motorsiklo ng may 15.9%, miscellaneous manufactures (18.7%), home appliances ng may 17.1% na siyang sumuporta sa paglago ng imported durable goods.
Tumaas naman ang importasyon ng bigas (1,655.5%) at food and live animals (25.7%) at mga prutas at gulay ng may 53.5%.
Layunin ng pamahalaang mapatatag ang supply ng bigas sa panahon na tinaguriang lean months. Pumasa na sa National Food Authority ang importasyon ng 500,000 metriko tonelada mula sa Vietnam at Thailand na nagsimulang dumating noong Marso 2015. Sa nakalipas na buwan ng Abril, ang bahagi ng rice purchases mula sa mga bansang ito ay kumatawan sa 70.6% at 29.0% ng pangkalahatang imports ng bansa.
Nabawasan din ang imports mula sa Tsina, Japan at Taiwan na siyang nagpababa sa imports noong Abril.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |