|
||||||||
|
||
Double-decker buses, baka makatulong
DALAWANG ahensya ng pamahalaan ang nagsusuri sa mungkahing gumamit ng double-decker buses sa Epifanio de los Santos Avenue upang matugunan ang matinding traffic sa Metro Manila.
Ang mga ahensyang ito ay ang Metro Manila Development Authority at Philippine Naitonal Police – Highway Patrol Group. Pinag-aaralan nila ang mungkahi ni Bataan Congressman Enrique Garcia, Jr.
Ayon kay Chief Supt. Arnold Gunnacao, napapanahon nang magkaroon ng ganitong uri ng bus upang mas maraming pasahero ang makasakay kung ihahambing sa mga regular na bus.
Anang opisyal, limitado na rin lang ang mga lansangan at mataas ang bilang ng mga sasakyan. Gumagamit na ang SM Mall of Asia ng double-decker buses sa loob ng kanilang pamilihan sa Pasay City.
Mayroon na ring double-decker buses sa Subic Bay Metropolitan Authority.
Mapapalitan na rin ang mga bulok na bus sa oras na magkaroon ng double-decker buses.
Sa panig ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sa 4,936 na may prangkesang mga bus, 3,421 ang naglalakbay sa EdSA. Mababawasan din umano ang pollution sa oras na magkaroon ng mga bagong double-decker bus.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |