|
||||||||
|
||
Desisyon ng Senate Electoral Tribunal, lalabas sa Nobyembre
NAKATAKDANG lumabas ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal sa mga unang araw ng Nobyembre. Ito ang sinabi ni Senador Loren Legarda sa isang panayam sa telebisyon.
Ang mga kakandidato sa darating na national elections ay nararapat mag-file ng kanilang certificate of candidacy sa ika-16 ng Oktubre. Sa ganitong situwasyon, puede pang mag-file ng kanyang sertipiko si Senador Poe sapagkat wala pa namang desisyon ang Senate Electoral Tribunal sa kanyang citizenship issue.
Kasama si Senador Legarda sa siyam-kataong tribunal. Tumanggi siyang magsabi pa ng kanyang pananaw sa usapin dahilan sa kakaibang reaksyon ng madla sa sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na naging dahilan ng mga panawagang huwag nang lumahok pa sa mga deliberasyon ayon sa kanyang pesonal na pahayag.
Magiging bahagi na ng batas ang magiging desisyon ng Senate Electoral Tribunal sa magiging katayuan ng mga natatagpuang sanggol o foundling children. Mahalagang isyu ang kinakaharap ni Senador Poe sapagkat may mga propesyon na mahalaga ang citizenship.
Tiniyak ni Senador Legarda na nakabase ang kanyang desisyon sa kanyang mga narinig, nakita at nasuri.
Wala umanong ginawang pakiusap ang National People's Coalition sa usapin ni Senador Grace Poe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |