|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sa larangan ng politika:
Mas mahihirap na pamahalaang lokal, tatanggap ng mas malaking IRA mula sa pamahalaan
ANG mas mahihirap na pamahalaang lokal ay nakalaang tumanggap ng mas malaking pahagi mula sa internal revenue allotment sa ilalim ng pamamahala ni Vice President Jejomar C. Binay.
Sa isang pahayag, sinabi ng pangalawang pangulo na sa ilalim ng kanyang administrasyon, babaguhin at itutuwid ang pamantayan sa pamamahagi ng internal revenue allotments upang magkamit ng mas mataas na bahagi mula sa mga buwis na nalilikom ng pamahalaan.
Kailangan umanong matiyak na ang mga baying may maliliit na kita ay magkakaroon ng sapat na pondo upang maipatupad ang mga proyekto at palatuntunang makatutulong sa mga mamamayan.
Sa halip umanong pagtuunan ng pansin kung paano makatutugon ang mga pamahalaang lokal ng mas malaking bahagi sa IRA, nararapat bigyang halaga ang pagtulong sa mga bayang walang kinikita.
May tatlong pamantayan ngayon upang magkaroon ng mas malaking IRA tulad ng 50% para sa bilang ng mga mamamayan, 25% para sa lupaing nasasakupan at 25% para sa kinikita ng pamahalaang lokal.
Ang katotohanan, ayon kay G. Binay ay maraming mga mahihirap na pamahalaang lokal na umaasa sa kanilang IRA kaya't kailangang mabago ang kalakaran upang higit silang umunlad.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |