Accreditation ng DZMM, pinawalang-saysay
INALIS ng Commission on Elections ang accreditation privilege ng himpilang DzMM matapos itong lumabag sa mga alituntunin sa media coverage ng mga politiko na nagdala ng kanilang certificates of candidacy kahapon.
Kanina, sa pagpunta ni Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Comelec upang dalhin ang kanyang certificate of candidacy, dinumog siya ng mga mamamahayag at mga kapanaalig sa unang palapag ng Palacio del Governador sa Intramuros.
Matapos ang kanyang maikling pahayag, sa kanilang paglabas sa gusali, hinila ng isang reporter ng ABS-CBN ang senador patungo sa isang tanggapan sa Comelec at kinapanayam. Ang panayam ay mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec at nabanggit na sa mga kinatawan ng iba't ibang media outlet noong nakalipas na linggo.
Nagpatawag ng press conference si Comelec spokesperson Atty. James Jimenez at sinabing inalis na ang media accreditation ng himpilan ng radyo. Nagkaroon na rin ng kasunduan at nagsabing maaaring humiling ng panibagong accreditation ang himpilan ng radyo sa Comelec bukas.
Humingi nan g paumanhin ang isang kinatawan ng DzMM sa Comelec sa pamamagitan ni Chairman Andres Bautista.
1 2 3 4 5 6