Senador Marcos, nangakong tutulong sa sinumang mahalal na pangulo
NANGAKO si Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na kung sakaling magwawagi sa darating na halalan sa Mayo ng 2016, walang anumang magiging problema sa kanya ang mahahalal na pangulo sapagkat handa siyang makipagtulungan.
Sa isang pahayag, sinabi ng batang Marcos na walang anumang problema sa oras na magwagi siya. Lumabas ang pahayag isang araw matapos siyang mag-file ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections.
Bagama't may posibilidad na maging magkaiba ang kanilang paninindigan sa mga isyu subalit hindi mawawala ang pakikipagtutulungan.
Bilang bahagi ng ehekutibo, ang bise presidente ay nararapat lamang sumuporta at tumulong sa pangulo ng bansa.
Idinagdag pa ng batang Marcos na naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng bansa ang kakaibang sistema ng politika. Ang mga tali-taliwas na pahayag ay natural lamang sa bawat kampanya sa halalan subalit matapos ang bawat eleksyon ay nararapat lamang limutin ang mga 'di pagkakasundo at magsikap na magkaisa ang lahat ng mga pinuno ng pamahalaan.
1 2 3 4 5 6