Senador Miriam Defensor Santiago, tatakbong muli sa 2016
SINABI ni Senador Miriam Defensor-Santiago na tatakbo siya sa panguluhan sa 2016.
Itinanong ng mga mamamahayag kung magdadala na siya ng kanyang certificate of candidacy para sa panguluhan ngayong linggo at sumagot siyang magtutungo siya sa Comelec.
Ang kanyang makakasama ay isa sa mga nagdeklara na ng pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo.
Higit umanong gaganda ang Pilipinas kung siya ang magiging halal na pangulo ng bansa.
Magaganap ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya at sa pagtulong ng mga kapwa Filipino.
1 2 3 4 5 6