Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga embahador ng 24 na bansa, lumagda sa panawagang pahalagahan ang peace process

(GMT+08:00) 2015-10-15 17:09:03       CRI

Mga embahador ng 24 na bansa, lumagda sa panawagang pahalagahan ang peace process

DALAWAMPU'T APAT NA BANSA, NAGKAISA PARA SA KAPAYAPAAN SA MINDANAO. Binabasa ni UK Ambassador Asif Ahmad (pangalawa mula sa kaliwa) ang bahagi ng kanilang pahayag para sa pagpapatuloy ng peace process sa Pilipinas. Nakiisa rin si Marion Dercxs ng Netherlands, Spanish Ambassador Luis Calvo, Norwegian Ambassador Erik Forner, Charge d' Affaires Raoul Imback ng Switzerland at Australian Ambassador William Tweddell. (Melo M. Acuna)

KAPAYAPAAN MAHALAGA SA PILIPINAS AT SA DAIGDIG. Niliwanag ni UK Ambassasdor Asif Ahmad na nararapat ipagpatuloy ang peace process sapagkat lubhang marami na ang magugulong pook sa daigdig. Ang Bangsamoro Basic Law ay bahagi lamang ng buong peace process, dagdag pa ng ambassador. (Melo M. Acuna)

 

NANAWAGAN ang mga kinatawan ng iba't ibang bansang may embahada sa Pilipinas na bigyang halaga ang peace process. Sa isang simpleng seremonya, sinabi ng mga ambassador at kanilang mga kasama na nakikiisa sila sa layunin ng mga Filipino na magkaroon ng isang makatarungan at matagalang kapayapaan sa Mindanao na maghahatid ng kaunlaran, katatagan at mga benepisyong panglipunan sa lahat samantalang mananatili ang pagkakaisa ng bansa.

Pinuri nila ang magkabilang panig ng peace negotiations na naging dahilan ng peace agreement at sa kanilang dedikasyong maghari ang kapayapaan.

Nanawagan sila sa lahat na sangkot sa peace process na bigyang buhay ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro at magkaroon ng matagalang political, economic at social pillars na magbubunga ng kapayapaan sa buong bnasa.

Hiniling din nila na pahintulutan ang mga Bangsamoro na magkaroon ng insluvie, devolved administration tulad ng itinatadhana ng kasunduan.

Mahalaga ito upang maiwasan ang pagbabalik sa kaguluhan at nang matamo ang normalidad sa buhay ng madla. Kailangang magwakas na ang matagal na kaguluhan sa Mindanao sapagkat layunin ng mga bansang bumuo ng pahayag na makitang matamo ang Pilipinas ang kapayapaan at kaunlaran.

Kabilang sa mga lumagda sa pahayag sina Ambassador William Tweddell ng Australia, Amb. Nell Reeder ng Canada, Charge d' Affaires Stella Marquez de Araneta, Ambassador – Designate ng European union Franz Jessen, Ambassador Jan Top Christensen, Deputy Head of Mission Laurent Legodec ng Francia, G. Thjomas Ossowski ng Alemania, G. Massimo Roscigno ng Italy, Kazuhide Ishikawa ng Japan, Mario Derckx ng Netherlands, Ambassador Eric Froner ng Norway, Ngeriki Baules ng Palau, Martinus Slabber ng South Africa, Ambassador Luis Calvo ng Spain, Charge Raoul Imback ng Switzerland, Ambassador Asif Ahmad ng United Kingdom at Ambassador Philip Goldberg ng Estados Unidos.

Sa isang panayam, sinabi ni Ambassador Ahmad na mahalaga ang kapayapaan sa Mindanao sapagkat marami nang magugulong pook sa daigdig. Hindi lamang sa Bangsamoro Basic law nakatuon ang pansin sapagkat bahagi lamang ito ng buong peace process.

Nanawagan sila sa mga may mahahalagang papel na bigyang pansin ang buong peace process upang matiyak ang kaunlaran at kapayapaan hindi lamang ng Mindanao kungdi ng buong Pilipinas.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>