|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bishop Pablo David, hinirang na Obispo ng Kalookan
HINIRANG ni Pope Francis si San Fernando de Pampanga auxiliary bishop Pablo Virgilio Siongco David bilang Obispo ng Kalookan kagabi. Ang 56 na taong-gulang na obispo ay isinilang sa Betis, Guagua, Pampanga at naordenan sa pagkapari noong ika-12 ng Marso 1983 sa edad na 24 at hinirang na auxiliary bishop ng San Fernando noong ika-27 ng Mayo 2006 sa edad na 47 taong gulang.
Si Bishop David ay naglilingkod na bilang pari sa nakalipas na 32 taon at bilang obispo sa nakalipas na siyam na taon.
Itatalaga siya sa kanyang bagong tungkulin sa ikalawang araw ng Enero 2016 sa ganap na ika-siyam at kalahati ng umaga. Magaganap ang seremonya sa Katedral ni San Roque sa Lungsod ng Kalookan.
Saklaw ng kanyang panunungkulan ang mga Lungsod ng Kalookan at Malabon at ang bayan ng Navotas. Si Bishop David ang ikalawang obispo ng Diocese of Kalookan. Unang hinirang na obispo sa pook si Bp. Deogracias Soriano Iniguez, Jr. na nagbitiw noong ika-25 ng Enero 2013.
Naging administrador ng Kalookan si Antipolo auxiliary bishop Francisco de Leon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |