Secretary Manuel Araneta Roxas at Congresswoman Leni Gerona Robredo, nagpatala na sa Commission on Elections
DINALA na nina Secretary Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo ang kanilang certificates of candidacy sa Commission on Elections kaninang umaga upang opisyal na maitalang mga kandidato ng Partido Liberal sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Sila ang ikatlong tambalang nagpatala sa Commission on Elections main office sa Intramuros, Maynila para sa darating na 2016 national elections.
Nauna ng nagpatala sina Vice President Jejomar Binay at Senador Gregorio Honasan at ang nagpapakilalang kinatawan ng Ang Kapatiran party na sina Rizalito David at Albert Alba.
Sinamahan pa sila ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa misang idinaos sa Manila Cathedral bago nagtungo ang magkatambal sa Commission on Elections.
1 2 3 4 5