|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Personal remittances ng OFWs, umabot sa US$ 17.9 bilyon sa unang walong buwan ng 2015
UMABOT sa halagang US$ 17.9 bilyon ang naipadalang salapi ng mga manggagawang Filipino sa unang walong buwan ng 2015 sa pagkakaroon ng US$ 2.3 bilyon noong nakalipas na buwan ng Agosto. Ang buong halaga ay mas mataas ng 2.9% sa natamong halaga noong nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sental ng Pilipinas officer-in-charge Vicente S. Aquino, ang personal remittances ng land-based workers na may kontratang higit pa sa isang taon ay lumago ng 4.6% sa unang walong buwan samantalang ang sea-based workers at land-based workers na may mga kontrata ng kulang sa isang taon ay lumago rin ng 2.4%.
Ang remittances noong Agosto 2015 ay mas mababa ng 0.8% kung ihahambing sa nakalipas na taon dahilan na rin sa pagbaba ng halaga ng US dollar, ng Euro, Canadian dollar at Japanese yen na siyang nagpababa sa kahalintulad na halaga mula sa host countries.
Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2 bilyon noong Agosto. Sa unang walong buwan ng 2015, ang cash remittances ay kinatagpuan ng paglago ng 4.1% kung ihahambing sa nakalipas na taon na umabot sa US$ 16.2 billion. Ang cash remittances mula sa land-based ay umabot sa US$ 12.4 bilyon samantalang ang mula sa sea-based workers ay umabot sa US$ 3.8 bilyon.
Nagmula ang pinakamalaking halaga sa United States of America, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Singapore, Japan, Hong Kong at Canada.
Patuloy ang pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POA) na kinakitaan ng 584,816 job orders at na-proseso ang 41.5%. Ang karamihan sa mga ito ay service, production at professional, technical at related workers sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan at Hong Kong.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |