|
||||||||
|
||
Medical – Eye Care Mission para sa mga taga-Tacloban, idinaos
BABALIK KAMING MULI. Tiniyak ni G. Don Orozco na babalik ang kanyang samahan at tutulong sa mga nangangailangan. Masama ni G. Orozco ang mga kinatawan ng iba't ibang Filipino-American community sa pagdalo sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo. Pinasalaman niya ang mga samahang propesyunal at pamahalaang lungsod ng Tacloban sa ikinapagtagumpay ng Medica-Eye Care Mission kahapon.
BABALIK KAMING MULI. Tiniyak ni G. Don Orozco na babalik ang kanyang samahan at tutulong sa mga nangangailangan. Masama ni G. Orozco ang mga kinatawan ng iba't ibang Filipino-American community sa pagdalo sa mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo. Pinasalaman niya ang mga samahang propesyunal at pamahalaang lungsod ng Tacloban sa ikinapagtagumpay ng Medica-Eye Care Mission kahapon.
MGA manggagamot at narses mula sa Estados Unidos, Maynila at Tacloban City ang nagsama-sama kahapon sa Barangay Suhi, Tacloban City. Ayon kay Don Orozco, pasimuno ng medical – eye care mission, saklaw ng Brighter World Foundation na maglilingkod sa mga komunidad at tumulong sa pagpapatupad ng batas.
Ipinaliwanag ni G. Orozco na isang sheriff mula sa Estados Unidos ang dadalaw at makakausap ni PNP Director General Ricardo Marquez upang anyayahan ang ilang mga tauhan ng SWAT na magsanay sa Estados Unidos ng walang gastos sa panig ng pamahalaan ng Plipinas.
Kasama sa mga nagtaguyod and Phil Nurses Assn. ng Northern California, Global Intercoastal Recovery Foundation, Phil. Dental Association of Northern California, at Lions Club of Milpitas.
Idinagdag pa ni G. Orozco na kasamang nakatulong sa proyekto ang komunidad ng Iglesia ni Cristo sa Estados Unidos at maging sa Tacloban City.
Bilang bahagi ng kanilang pakikiisa, ang mga nagmula sa Estados Unidos ang nagbayad ng kani-kanilang pamasahe.
Kasama rin sa nagtaguyod ng proyekto ang Philippine Chamber of Commerce and Industry at ang PhilExport.
Nakatulong na rin ang mga mula sa Local Government Unit ng Tacloban. Ang pamahalaang-lungsod ang nangasiwa ng patient screening kaya't madali na ang pag-proseso ng mga duktor at narses na mula sa Metro Manila at Estados Unidos.
Higit umanong nabigyan ng pansin ang Tacloban kaya't mas minabuti nilang dumalaw sa Tacloban at paglingkuran na ang mga nangangailangan. Nangako si G. Orozco na babalik sila at maglilingkod sa iba't ibang bahagi ng bansa.
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |