|
||||||||
|
||
Senador Ernesto Herrera, namayapa na
DATING SENADOR ERNESTO HERRERA, NAMAYAPA NA. Pumanaw na sa edad na 73 si dating Senador Ernesto "Boy" Herrera (dulong kanan). Nakapaglingkod siya bilang senador sa loob ng 12 taon. Isang kilalang labor leader, nakatulong ang mambabatas sa pagpasa ng panukalang batas na bumuo sa TESDA. Naging panauhin si G. Herrera sa Tapatan sa Aristocrat noong nakalipas na taon. (File Photo ni G. Roland Moya ng ECOP)
PUMANAW na si Senador Ernesto "Boy" Herrera matapos atakehin sa puso sa edad na 73 kahapon.
Ayon sa kanyang sekretarya sa loob ng halos 30 taon, na si Tita Misolas, namayapa na ang dating labor leader kahapon ng ikalawa ng hapon sa Manila Doctors Hospital.
Paglalamayan ang dating senador sa Heritage Memorial Park sa Taguig City. Naulila niiya ang kanyang maybahay na si Lourdes, ang apat na anak na sina Maria Luzil, June Francis, Ernesto II at Ernesto III.
Pinuri ni Senate President Franklin Drilon ang namayapang senador sa kanyang dedikasyon sa kanyang ipinaglalaban.
Magugunitang naging Labor and Employment Secretary si Senador Drilon. Ipinag-utos din ni Senate President Drilon ang paglalagay ng bandila sa Senado sa kalahatian o half-mast bilang paggalang sa dating mambabatas at ang pagkakaroon ng necrological services sa Miyerkoles, ika-apat na araw ng Nobyembre.
Naglingkod siyang senador noong 1987 at noong 1992 elections. Naglingkod rin siyang congresista ng Bohol. Bilang mambabatas, ipinaglaban niya ang mga karapatan ng manggagawa, pagkakaroon ng hanapbuhay, fiscal education at anti-drugs programs.
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |