Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tacloban at mga kalapit pook, unti-unting nakakabangon

(GMT+08:00) 2015-10-30 17:47:26       CRI

Maliwanag na labag sa Saligang Batas ang pork barrel

NADEKLARA na ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang pork barrel system. Ito ang sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang talumpati sa Ten Outstanding Women in the Nation's Service Foundation, Inc.

Sa kanyang panawagan, sinabi ni Chief Justice Sereno na nararapat na hindi magkaroon ng anumang pagtatangkang buhaying muli ang Priority Development Assistance Fund na naideklara nang Korte Suprema noong 2013 na labag sa batas dahil sa P 10 bilyong pork barrel scam.

Umaasa siyang ang ruling hinggil sa PDAF ang nakapagbigay ng mensahe na ang pork barrel system ay 'di na kailangang buhayin pa.

Nasundan ng Korte Suprema ang isyu ng PDAF na diumano'y binuo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na naging ugat ng usaping katiwalian at pandarambong laban kina Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, ilang mga dati at kasalukuyang kasapi ng House of Representatives.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>