|
||||||||
|
||
Ekonomiya ng Pilipinas, gumaganda
SINABI ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na maganda na ang 6.0% growth sa real gross domestic product sa ikatlong tatlong buwan ng taong 2015. Kinakikitaan ito ng patuloy na pagganda at pag-unlad ng ekonomiya.
Hamak na mas maganda na ito sa 5.8% na natamo noong second quarter at mula sa 5.5% na nakamtan noong third quarter ng 2014. Natamo ang kaunlaran sa unang siyam na buwan ng 2015 sa pagkakaroon ng 5.6% kaya't malamang na matamo ng 6.0% para sa buong taon sa pagpasok sa last quarter.
Pangatlo ang Pilipinas sapagkat mayroong 6.9% ang Tsina samantalang mayroong 6.8% naman ang Vietnam. Hindi pa nababatid ang third quarter figure ng India, isa pang umuunlad na bansa sa rehiyon.
Nagmula ang kaunlaran sa malakas na pangangailangan ng domestic market, mas malaking salaping inilabas ng pamahalaan at paglaki ng gastos ng mga pamilyang Filipino. Lumago ang final consumption expenditure ng pamahalaan mula sa 3.9% at nakamtan ang 17.4%. Sa unang siyam na buwan ng 2015, ang average government final consumption expenditure ay umabot na sa 7.2% mula sa 0.2% noong 2014.
Nakatulong din ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho, pagtaas ng employment at income, mababang inflation at patuloy na pagdating ng salaping mula sa mga manggagawang nasa ibang bansa. Lumago ang lahat ng ito ng 6.3%. Nadagdagan ang gastos ng mga pamilyang Filipino sa pagkain at inuming 'di nakalalasing, miscellaneous goods and services, transport, restaurants and hotels at communication, dagdag pa ni G. Balisacan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |