Mga illegal na minahan sa Zambales, ipinasisiyasat
HINILING ni Congresswoman Cheryl P. Deloso-Montalla na siyasatin ng Mababang Kapulungan ang walang humpay at pananagutang pagmimina sa Zambales.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na ang masamang epekto ng nickel ore mining ay napakalaki upang 'di mapansin bilang mga panganib sa kapaligiran, kabuhayan at mga mamamayan ng mga bayan ng Masinloc, Candelaria at Santa Cruz. Ito ang napapaloob sa resolusyong akda ni Congresswoman Deloso-Montalla.
Sa pamamagitan ng House Resolution 2495, hiniling ng mambabatas sa Committees on Ecology at Natural Resources na magsagawa agad ng pagsisiyasat sa trahedyang naganap sa kabayanang binanggit. Nagmumula sa Zambales ang high-grade mineral resources kaya't naging mahalaga ang pagmimina sa ekomoniya ng kabayanan. Nabatid na mali ang paraan ng pagmimina sa lalawigan kaya't nilalabag ng mga kumpanyang ito ang mga batas ng bansa.
1 2 3 4