|
||||||||
|
||
Travel ban sa mga Koreano, ipinatutupad
INATASAN ng Korean Foreign Ministry sa Seoul at nakarating sa Maynila ang kanilang mga mamamayan na huwag magagawi sa ilang bahagi ng bansa dahil sa mga pangyayaring naganap kamakailan.
Mula sa darating na Martes, pagbabawalan na ang mga South Korean nationals na dumalaw at manirahan sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-tawi. Lumabas ang desisyon matapos matagpuan ang bangkay na isang pitumpung taong-gulang na South Korean national matapos dukutin ng mga militanteng Muslim sa Zamboanga noong nakalipas na Enero, 2015.
Siyam na Koreano na ang napaslang sa Pilipinas ngayong 2015 kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga sibilyang napapaslang ngayong 2015. Sa ilalim ng batas ng South Korea, ang sinumang dadalaw sa mga pook na saklaw ng travel ban ay maaaring mabilanggo ng hanggang isang taon at pagmultahin ng 10 milyong won o US$ 8,700.
Itinaas din ang travel warning sa Sabah kasunod ng tatlong pagdukot sa kanilang mga mamamayan. Sinasabing mga militanteng Muslim ang may kagagawan nito.
Nagkabisa ang travel ban sa Sabah kahapon. Pinayuhan ang South Korean nationals sa umalis na sa rehiyon at huwag nang bumalik pa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |