Senador Grace Poe, nawala umano ang kanyang pagkatao sa desisyon ng Comelec
IKINALUNGKOT ni Senador Grace Poe na nawala ang kanyang pagkatao sa desisyon ng Commission on Elections. Nasaktan umano siya.
Sa isang pahayag, sinabi ng senadorang higit na pinili ng First Division na huwag pansinin ang mga impormasyong inihain ng kanyang kampo at nawalan na rin siya ng pagkakataong makapaglingkod sa mga mamamayan at mabawasan ang pagpipilian ng mga mamamayan sa darating na halalan.
Ipinaliwanag ng mambabatas na ng sumulpot ang disqualification cases, ang hiniling lamang niya ay kilalanin ng kinauukulan ang lahat ng datos. Nagsumite sila ng mga ebindensyang magpapatunay ng kanyang pagkatao at paninirahan sa bansa. Nagtiwala umano siya sa kinakailangang proseso.
Aapela umano sila sa Comelec en banc at sa Korte Suprema.
1 2 3 4