|
||||||||
|
||
Exports ng Pilipinas, laglag ng 10.8% noong Oktubre
BUMAGSAK ang exports ng Pilipinas noong nakalipas na Oktubre dahil sa mahinang ekonomiya ng karamihan ng mga mamimiling bansa.
Ayon sa National Economic and Development Authority, iniulat ng Philippine Statistics Authority na umabot lamang sa US$4.6 bilyon ang merchandise exports ng Pilipinas mula sa US$ 5.1 bilyon noong Oktubre 2014.
Ang pahinang pandaigdigang pangangailangan sa mga produkto ng Pilipinas at mabagal na economic activity sa America at pagbabagong nagaganap sa Tsina ang siyang nagpababa ng exports ng bansa.
Umaasa si Economic Planning Secretary Arsenio M. Baliscan na mananatiling mahina ang exports sa mga susunod na buwan sapagkat humina ang ekonomiya ng mga mamimiling bansa ng Pilipinas.
Ang lahat ng key commodities ang kinakitaan ng pagbaba noong Oktubre particular ang manufactured goods, agro-based products, mineral products at petroleum products.
Nabatid na ang manufactured goods na 88.5% ng total merchandize exports para sa Oktubre ang bumaba ng 5.1% mula sa US$4.3 bilyon noong Oktubre 2014 at natamo na lamang ang US$ 4.1 bilyon ngayong taon.
Mabuti na rin ito sa pagbagsak na 24.7% double-digit drop noong Setyembre kasunod ng bahagyang pag-unlad ng manufacturing industry, dagdag pa ni Secretary Balisacan. Nakabawi ang mga produktong electronic products ng 7.3% at sa exports ng semi-conductors na lumago ng 11.7%.
Bumaba rin ang exports ng mineral products ng may 56.1% at natamo ang US$ 150.9 milyon noong Oktubre 2015 mula sa US$343.9 milyon noong Oktubre ng 2014. Bumaba ang kita mula sa copper metal, copper concentrates at iba pang mineral products.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |