Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas magandang kalakalan, magaganap sa pagitan ng Italya at Pilipinas

(GMT+08:00) 2015-12-08 16:15:32       CRI

 

Mas magandang kalakalan, magaganap sa pagitan ng Italya at Pilipinas

MGA FILIPINO SA ITALYA, UMABOT NA SA 171,000. Ito ang ibinalita ni Philippine Ambassador to Italy Domingo P. Nolasco. Karamihan sa mga dumarating na Filipino sa Italya ay mga kamag-anak ng mga naunang naglakbay sa maunlad na bansa. Mas makabubuting may alam na trabaho at nakapagsasalita ng Italiano upang magkatrabaho kaagad. (Melo M. Acuna)

MAKAKAASA ang mga Italyano at mga Filipino na higit na gaganda ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa matapos dumalaw si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Roma noong nakalipas na linggo.

Nakadaupang palad ni Pangulong Aquino ang pangulo at prime minister ng Italya mula noong unang araw ng Disyembre hanggang sa kanyang paglisan noong ika-apat ng Disyembre.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to Italy Domingo P. Nolasco sa isang panayam para sa CBCP Online Radio. Sinabi ng ambassador na ngayon ay pabor ang kalakal sa Italya kaya't isang malaking hamon sa Embahada ng Pilipinas na maghanap ng mga paraan upang makapasok ang mas maraming produkto mula sa Pilipinas.

Bagama't walang binanggit na datos sa balance of trade, sinabi ni Ambassador Nolasco na mas maraming inaangkat ang Pilipinas (mula) sa Italya.

Malaking bagay na kasama sa European Union ang Italya sapagkat kamakailan ay nabigyan ng General Status of Preference ang may 6,000 iba't ibang produkto na mangangahulugang walang anumang babayarang taripa.

Lumagda rin ang Pilipinas at Italya hinggil sa pagpasok ng mga migranteng Filipino sa Italya. Sa panig ni Ambassador Nolasco sinabi niyang kailangang maryoong sapat na kakayahan ang mga manggagawang magtutungo sa Italya. Ang mayroong iba't ibang kakayahan ang kailangang ng Italya maliban sa mga gawaing bahay.

Dadalaw ang isang delegasyon mula sa Ministry of Labor ng Italya sa Pilipinas sa mga susunod na linggo ang makikipag-usap sa mga opisyal ng TESDA, POEA at maging sa Department of Labor and Employment.

Samantalang, naghihintay na lamang ng pagsang-ayon ng ilang mga tanggapan sa Italya upang masimulan ang direct flights mula sa Maynila patungong Roma. Ipinaliwanag ni Ambassador Nolasco na malaking bagay ang pagkakaroon ng direct flights sapagkat makakarating kaagad ang mga produktong sariwang magmumula sa Pilipinas at malaki ang potensyal ng mga turistang mula sa Italya na makadadalaw sa Pilipinas nang hindi na dadaan sa iba't ibang transit areas.

Maraming mga sariwang produktong kailangang makarating sa mga pamilihan. Paguusapan din ang quota ng mga kumpanya ng eroplanong interesadong maglingkod sa rutang Rome – Manila.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>