![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kalakal ng mga sasakyan, higit na lumago noong Nobyembre
PATULOY na lumago ang kalakal ng mga sasakyan sa Pilipinas noong nakalipas na Nobyembre.
Ito ang ibinalita ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. at ng Trucks Manufacturers Association. Umabot ng 26,979 units ang naipagbili noong Nobyembre mula sa 21,422 units noong Nobyembre ng 2014. Lumago ito ng 25.9%.
Kung ihahambing ang naipagbiling mga sasakyan mula Enero hanggang ika-30 ng Nobyembre, umabot ito sa 261,930 units mula sa 213,427 units noong 2014.
Ang passenger cars at commercial vehicles ang nanguna sa bentahan noong nakalipas na buwan. Nagkaroon ng 10,649 na pampasaherong kotse ang naipagbili at umabot naman sa 16,330 units na commercial vehicles ang nabili ng mga Filipino.
Ipinaliwanag ni Atty. Gutierrez na sa magandang bentahan noong Nobyembre, umaasa silang mahihigitan ang target na 310,000 mga sasakyang mabibili sa buong 2015.
Toyota Motor Philippines ang nagkaroon ng 43.9% share at pangalawa ang Mitsubishi Motors Philippines na nagkaroon ng 18.5%, Ford Motor Company ang pumangatlo sa 11% share at pang-apat ang Isuzu Philippines Corporation na nagkaroon ng 7% at ang Honda Cars ang panglima sa 5.8% market share.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |