NAGDESISYON ang Commission on Elections ngayon na huwag nang kilalaning kandidato sa pagka-pangulo si Senador Grace Poe sa 2016 national elections.
Nagdesisyon ang Comelec First Division na 2 – 1 na madiskwalipika ang senadora at kanselahin ang kanyang certificate of candidacy. Bumotong kanselahin ang certificate of candidacy ni Senador Poe sina Commissioner Luoie Guia at Rowena Guanzon samantalang hindi sumang-ayon sa mayorya si Commissioner Christian Lim.
Nagdesisyon ang Commission on Elections na pumabor sa mga nagpetisyon na kinabilangan nina University of the East College of Law Dean Amado Valdez, dating Senador Francisco "Kit" Tatad at De la Salle University Professor Antonio Contreras.
Una nang nagdesisyon ang Second Division ng Commission on Elections sa petisyon ni Atty. Etrella Elamparo.
1 2 3 4