|
||||||||
|
||
Bagyong "Nona", humina, "Onyok" target ang Mindanao
TULUYANG humina si "Nona" samantalang na sa karagatan na at isang low pressure area, samantalang ang tropical depression na si "Onyok" ay nanatili ang lakas at isang peligro sa Caraga Region.
Itinaas na ng PAGASA ang Public Storm Signal No. 1 sa Surigao del Sur kasama na ang Siargao Island, Surigao del Norte, Dinagat Province, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley at Bukidnon.
Sinabi ni Aldczar Aurelio ng PAGASA na walang peligrong mula sa anumang daluyong.
Kahit pa isang low pressure area na lamang si "Nona" magdudulot pa rin ito ng banayaD na pag-ulan sa Bataan, Zambales. Ang mga pag-ulan sa Gitnang Luzon ay inaasahan dala ng panahong amihan.
May babala pa rin ang PAGASA sa mga mangingisda na huwag munang mamalakaya dala ng amihan, particular sa kanluran at silangang baybay-dagat ng Luzon.
May 75 kilometro si "Nona" sa layong 75 kilometro sa kanluran ng SBMA, Olongapo City, Zambales mula kaninang ika-walo ng umaga.
Si "Onyok" naman ay na sa layong 625 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang ika-sampu ng umaga. Kung magpapatuloy itong pagkakataong kumilos pa-hilagang kanluran at galaw na 15 kph, tatama si Onyok sa Caraga Region bukas ng gabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |