|
||||||||
|
||
Labing-siyam na Filipino mula sa Syria nakatakdang dumating
MAY 19 na Filipino mula sa Syria ang nakatakdang dumating sa Pilipinas. Kabilang sa 19 ang dalawang bata. Darating sila sa Huwebes sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport mga ikatlo ng hapon sakay ngQR 932 mula sa Doha.
Ang kanilang pag-uwi ay kabilang sa Mandatory Repatriation Program para sa mga Filiipino sa Syria. Pinagtulungan ito ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus, Syria at sa Beirut, Lebanon sa tulong ng International Organization for Migration. Sinagot ng IOM – Damascus ang pamasahe ng mga uuwing Filipino.
Maglalakbay ang mga Filipino bukas mula sa Damascus, Syria patungo sa Masna'a border ng Lebanon. Tutulungan sila ng isang koponan mula sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut patungo sa Rafik Hariri International Airport.
Tuloy ang koordinasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus sa Syrian Ministry of Foreign Affairs and Expatriates upang magkaroon ng exit visas ang mga OFW na naninirahang pangsamantala sa Halfway Quarters ng embahada.
Hindi na pinabayaran ang exit visas ng 19 na Filipino at iba pang mga bayarin sa tulong na Syrian government.
Umabot na sa 5,942 mga Filipino ang nakaauwi mula ng sumiklab ang kaguluhan sa Syria noong 2011. May 2,715 ang nakauwi sa pagdaan sa Lebanon sa tulong ng embahada ng Pilipinas sa Beirut.
Tuloy pa ang Mandatory Repatriation Program kaya't nananawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Damascus sa mga kamag-anak ng mga Filipinong naroon na sabihan tungkol sa palatuntunang magpapauwi sa kanila.
Matatawagan ang embahada sa bilang na 00963-11-6132626, 00963-949155557 at 00963-93457926 at sa pamamagitan ng electronic mail na pe.damascus@gmail.com
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |