|
||||||||
|
||
Senate President Drilon, natuwa sa pagkakapasa ng budget
SA paglagda ni Pangulong Aquino ng 2016 General Appropriations Act upang maging tunay na batas, binabati niya ang pamahalaang Aquino sa pagiging matagumpay sa pagpapasa ng panukalang batas ng walang sagabal.
Ani G. Drilon, ang pagpapasa ng budget ayon sa takdang panahon ay isang magandang bagay. Mahalaga rin ang transparency, at hindi basta matatawaran.
Sa pag-alala ni Senate President Drilon, ang kasalukuyang pamahalaan lamang ang nakpagpapasa ng takdang panahon. Hindi umano mababalam pa ang pagdadala ng delivery of services sa mga mamamayan.
Ipinaliwanag pa ni G. Drilon na ang ipinasang budget ang titiyak sa makataong pagpapanukala. Sa budget, may P411.91 bilyon ang matutungo sa Deparment of Education, may P123.51 bilton ang para sa health sector sa susunod na taon.
Idinagdag pa niyang isang malaking hamon para sa Bureau of Internal Revenue at maging sa Bureau of Customs na paghusayan pa ang revenue collection strategies upang magkaroon ng sapat na pondo para sa mga proyekto ng 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |