Tigil-putukan, hiniling na ituloy na hanggang sa Mayo 2016
HINILING ni Senador Francis Escudero na magtagal ang ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng kasapi sa New People's Army.
Unang nagdeklara ang New People's Army ng tigil-putukan na magsisimula bukas ng madaling araw hanggang sa darating na ikatlong araw ng Enero taong 2016. Ito ay upang madama ang pakikiisa ng mga rebelde sa kinagisnang mga tradisyon ng Pasko at Bagong Taon.
Sa isang panayam sa mambabatas, sinabi niyang magandang pag-usapan ng magkabilang-panig ang kanyang mungkahi.
1 2 3 4