Dating Pangulong Arroyo, pinayagang makalabas ng pagamutan
NAKARATING ng maayos si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang tahanan sa La Vista Subdivision sa Quezon City upang magdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.
Umalis siya sa Veterans Memorial Medical Center kaninang bago sumapit ang ikawalo't kalahati ng umaga at nakarating sa kanyang tahanan matapos ang sampung minuto.
Pinayagan siya ng Korte Suprema na mag-Pasko at mag-Bagong Taon sa kanyang tahanan sa Quezon City. Ang kanyang paglabas ay nagsimula kaninang ikawalo ng umaga at magtatapos pagsapit ng ikalima ng hapon sa darating na Sabado, ikalawang araw ng Enero.
Ang pansamantalang bakasyon sa kanyang tahanan ang unang inilabas ng Korte Suprema samantalang wala pang desisyon sa kanyang kahilingang sumailalim ng house arrest.
1 2 3 4