|
||||||||
|
||
Paring gumamit ng hoverboard sa Misa, sinibak
HUMINGI na ng paumanhin ang pari sa Laguna na gumamit ng hoverboard sa pagdiriwang ng Misa. Ito ang sinabi ng Diocese of San Pablo sa isang pahayag na inilabas ngayon.
Sa isang pahayag na inilabas sa pamamagitan ng Facebook, sinabi ng Diocese of San Pablo na humingi na ng paumanhin ang pari sa naganap. Hindi naman kinilala ang pari.
Ayon sa pahayag, isang panggising sa kanya ang naganap at inamin niyang hindi angkop ang kanyang ginawa at nangakong hindi na magaganap pang muli.
Sa pangyayaring ito, mawawala sa kanyang parokya ang pari at gugugol na panahon upang pag-isipan ang naganap na pangyayari. Kumalat sa social media ang pelikula ng paring naka-hoverboard samantalang nagmimisa. Hinding-hindi natuwa ang Diocese of San Pablo sa pangyayari sapagkat isang malaking kamalian ang paggamit ng hoverboard.
Kailangan ng ibayong paggalang ang pagdiriwang ng Misa sapagkat isa itong paggunita sa pagsasakripisyo at pagpapakasakit ng Pangulong Jesucristo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |