|
||||||||
|
||
Pagkakaibigan ng Pilipinas at United Kingdom, magpapatuloy
KALAKALAN NG UNITED KINGDOM AT PILIPINAS, HIGIT NA GAGANDA. Ito ang sinabi ni British Foreign Minister Philip Hammond sa pagkaharap sa mga mamamahayag sa Department of Foreign Affairs kanina. Nagmula sa Tsina si G. Hammond at magtutungo naman sa Japan. (Melo M. Acuna)
KALIHIM DEL ROSARIO NAGPASALAMAT SA UNITED KINGDOM. Nagpasalamat si Kalihim Albert F. del Rosario sa United Kingdom sa magandang kalagayan ng mga migranteng Filipino sa maunlad na bansa. Marron umanong jabot sa 200,000 mga Filipino ang nasa Inflater. (Melo M. Acuna)
MAY MGA KASUNDUANG LALAGDAAN SA TAONG ITO. Ayon kay Minister Hammond at Secretary del Rosario, may mga kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ang nakatakdang lagdaan sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagklakatatag ng diplomatic relations ng daalwang bansa. (Melo M. Acuna)
HIGIT na magiging malapit ang pagkakaibigan ng Pilipinas at the United Kingdom sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario ng Pilipinas at Minister Robert Hammond matapos ang kanilang pag-uusap kaninang umaga sa Department of Foreign Affairs.
Sa kanilang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Kalihim del Rosario na higit pa sa kalakalan ng dalawang bansa ang halaga ng pagkakaibigan. Sa panig ni Minister Hammond, maganda ang naging takbo ng kanilang pag-uusap ni Secretary del Rosario sa larangan ng bilateral, regional at world issues at magpapatuloy pa sa kanilang pananghalian.
Ipinagpasalamat ni Secretary del Rosario kay Minister Hammond at sa Inglatera ang paglikha ng magandang kalakaran sa mga migranteng mula sa Pilipinas. Ani G. del Rosario, halos 200,000 mga Filipino ang naninirahan sa United Kingdom.
Balak ng magkabilang-panig na maglagdaan sa kalakal, investments at maging defense agreements bago magtapos ang ika-pitumpung taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Ipinaliwanag ni Minister Hammond na sa magkabilang-panig na umuunlad ang kalakal ng mga Filipino sa Inglatera. Ito rin ang larawan ng mga British businessmen na nagkakalakal sa bansa.
Suportado rin ng United Kingdom ang pagtatangka ng pamahalaan na maging isang payapang pook ang Mindanao sapagkat ito ang isang mabisang pagsugpo sa extremism at terrorismo.
Sa pagkakaroon ng kapayapaan, higit na gaganda ang takbo ng ekonomiya sa Timog Silangang Asia, dagdag pa ni G. Hammond.
Sa tanong kung ano ang paninindigan sa South China Sea, sinabi ni Minister Hammond na maliwanag ang kanilang layuning hayaan na lang ang batas ang masunod.
Dumalaw na si G. Hammond sa Tsina at sa kanyang paglisan sa Maynila patungo naman siya sa Japan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |