|
||||||||
|
||
Immigration Commissioner Mison, sinibak
PINALITAN si Immigration Commissioner Siegfred Mison matapos masangkot sa serye ng pagtakas ng isang pusakal na South Korean national noong 2015. Ayon kay Department of Justice spokesman Emmanuel Caparas, hinirang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Deputy Executive Secretary Ronaldo Geron bilang kapalit ni Mison.
Unang lumabas sa pahayagang Philippine Star noong Huwebes na hindi nagbitiw si Mison sapagkat siya'y sinibak ng Malacanang.
Ito ang naganap matapos lumabas ang ulat ng National Bureau of Investigation na nagkaroon ng administrative lapse si Mison nang payagan niya na ilipat ang pusakal na 49 na taong gulang na Koreano na si Cho Seongdae mula sa Immigration Warden Facility sa Taguig City patungo sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines sa Campo Aguinaldo. Ito ang dahilan kaya siya nakatakas.
Pinakakasuhan ng NBI kasama si Bureau of Immigration Guard Juan Rafael Ortega. Pinaghahahanp si Cho sa Korea dahil sa kasong pangingikil sa bansa. Kinasuhan din si Cho ng robberty and extortion sa Cavite at nadakip noong Setyembre 11 noong nakalipas na taon. Nakatakas na naman ang Koreano matapos dalhin sa pagamutan sa pagrereklamo ng kahirapang huminga.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |