|
||||||||
|
||
Police checkpoints, magsisimula na
MADALAS nang makikita ang mga pulis sa lahat ng bahagi ng bansa mula sa Linggo, ika-10 ng Enero sa pagsisimula ng election period. Magtatagal ang election period hanggang sa ika-walo ng Hunyo.
Sisimulan na ng Philippine National Police at Commission on Elections ang paglalagay ng isang checkpoint sa bawat lungsod at bayan sa buong bansa.
Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na nararapat maging mapagbantay ang publiko at kumuha ng mga pelikula at larawan kung may makikitang kaiba sa checkpoint. Sa isang press briefing, sinabi ni G. Mayor na ang mga lehitimong checkpoint at tumutupad sa operational procedures ng PNP.
Ang mga ito ay nasa maliwanag na pook at pinamumunuan ng isang police inspector. Mayroon ding makikitang sasakyang may nakasulat na COMELEC at may karatulang nagsasabing itinatag ang checkpoint ng komisyon.
Nararapat ding makita ang pangalan ng Comelec officer at team leader ng PNP. Nararapat mabasa ang nakasulat ng pangalan at nameplates.
Makabubuting maging marahan sa bawat pagdaan sa checkpoint at magbukas ng ilaw sa loob ng sasakyan. May kakayahan ang pulis sa checkpoint na magmasid sa loob ng sasakyan, dagdag pa ni Chief Supt. Mayor.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |