Estados Unidos, natuwa sa desisyon
IPINAGPASALAMAT ng Estados Unidos ang desisyon ng Korte Suprema na kumikilala Enhanced Defense Cooperation Agreement sapagkat ito ang magpapalakas sa relasyong namamagitan sa Pilipinas at sa America.
Sa isang pahayag na inilabas ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, sinabi nilang kapwa makikinabang ang magkabilang panig upang makatulong kaagad sa oras ng pangangailangan at makapagpalakas sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines.
Umaasa umano silang higit na makakaugnayan ang mga Filipino sa pagpapatupad ng nilalaman ng kasunduan.
1 2 3 4 5