Bayan Muna, magsusuri kung ano ang susunod na hakbang
MAGSUSURI at makikipag-usap sa mga abogado ang Bayan Muna kung ano ang kanilang gagawin matapos lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na pabor sa EDCA.
Sinabi ni Renato Reyes, Secretary-General ng grupo na isa na namang malungkot na araw ang naganap para sa kasarinlan ng bansa sa pagkilalang legal ng Korte Suprema sa kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos..
Pag-aaralan nila ang posibilidad na magpa-abot ng motion for reconsideration sapagkat hindi nagkaka-isa ang mga mahistrado sa kanilang desisyon, Ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang pagbubunyag at pagtuligsa sa pakiki-alam ng America sa Pilipinas, partikular sa larangan ng santahang lakas. Hindi umano solusyon ang EDCA sa problema sa karagatan ng Pilipinas sapagkat lumalabag ang EDCA sa kasarinlan ng Pilipinas. Nararapat lamang magkaisa ang mga Filipino sa pagkondena sa ganitong kasunduan.
1 2 3 4 5