Exports ng Pilipinas, laglag noong Nobyembre
BUMABA ang pangkalahatang merchandise exports ng Pilipinas noong nakalipas na Nobyembre 2015. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority kanina kasabay ng impormasyong nagpakita ng pagbawi ang paglalabas ng electronic products.
Apektado ng mahinang pandaigdigang ekonomiya ang exports ng Pilipinas. Ibinalita ng Philippine Statistics Authority na nalalaglag ang kita sa mga panindang ipinagbili sa labas ng bansa sa pagkakaroon ng US$ 5.1 bilyon mula sa US$ 5.2 bilyon noong Nobyembre ng 2014.
Nakatulong ang pagbawi ng electronic products kung ihahambing sa 10.8% decline noong Oktubre.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, sa hina ng pandaigdigang ekonomiya, naapektuhan ang inaakalang kikitain ng Pilipinas.
1 2 3 4 5