|
||||||||
|
||
140614melo.mp3
|
Pagkamatay ng mga magsasaka sa Kidapawan, di makatarungan
NANINDIGAN ang Integrated Bar of the Philippines na ang pagkamatay at pagkakasugat ng mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato ay 'di kailanman magiging matanggap-tanggap.
Ayon sa isang pahayag, sinabi ng IBP na ang pagkasawi ng dalawa katao at pagpapasugat ng may higit sa 30 iba pa na karamiha'y mga magsasaka noong unang araw ng Abril, ay nakalulungkot. Humihiling ang mga magsasaka ng tulong matapos masira ang kanilang mga pananim.
Ang IBP ay isang samahan ng lahat ng mga abogadong nakatala sa Roll of Attorneys ng Korte Suprema. Ayon sa samahan, nararapat lamang kilalanin ng pamahalaan at litisin ang mga may kagagawan ng madugong pagbuwag sa pagtitipon.
Nanawagan ang samahan sa pamahalaan na magkaroon ng walang pinapanigang imbestigasyon at mabigyan ng katarungan ang mga naging biktima at kanilang mga naulila.
Ito ang sinabi ni Atty. Rosario T. Setias-Reyes, pangulo ng IBP. Tinakot umano ng New People's Army ang mga magsasaka na nauwi sa kaguluhan. Naunang narinig kay Governor Emmylou Talino-Mendoza na walang pahintulot ang mga nagpoprotesta.
Hindi kailanman magiging makatarungan ang pagkamatay ng mga Filipino.
Ani Atty. Setias-Reyes, maraming leksyong matututuhan sa pangyayaring ito. Ang kaguluhan, kailanman, ay 'di magiging solusyon sa anumang problema.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |