|
||||||||
|
||
Filipino, nahalal na Chairman ng UN Committee
NAHALAL si dating Foreign Affairs Undersecretary for Special and Ocean Concerns Jose E. Brillantes bilang Chairman ng UN Committee on the Protection of the Rights of all Migrant Workers and Members of Their Families sa idinadaos na ika-24 na sesyon ng Committee na sinimulan noong ika-11 ng Abril at magtatapos sa darating na Biyernes, ika-22 ng Abril.
Nagkakaisang nahalal si Undersecretary Brillantes bilang chairman ng CMW hanggang ika-31 ng Disyembre 2017.
Isang magandang pagkakataon (ito), ayon kay Ambassador Cecilia B. Rebong, permanent representative ng Philippines sa United Nations Offices sa Geneva. Ani Bb. Rebong hindi lamang karangalan ito para kay G. Brillantes kungdi sa buong bansa.
Pagkilala rin ito sa prayoridad na ibinibigay ng Pilipinas sa karapatan at pagsusulong ng mga Filipino migrant workers, dagdag pa ni Bb. Rebong.
Ang CMW ay binubuo ng may 14 na independent experts na nagbabantay sa pagpapatupad ng International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families ng kanilang state parties.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |