|
||||||||
|
||
Vice President Binay, dumalaw sa mga sugatang kawal
VP BINAY, DUMALAW SA MGA KAWAL. Nakipag-usap si Vice President Jejomar C. Binay sa mga sugatang kawal mula sa Tipotipo, Basilian sa Camp Navarro General Hospital. Nakiramay na rin siya sa mga naulila ng 18 kawal na napaslang sa sagupaan. (OVP Photo)
DUMAAN si Vice President Jejomar C. Binay sa Camp Navarro station hospital sa Zamboanga City at dinalaw ang mga sugatang kawal matapos ang madugong sagupaan sa Tipo-tipo, Basilan kamakailan.
Nakasama ang mga sugatang kawal sa sagupaan sa Sitio Bayoko, Barangay Baguindan sa Tipo-tipo noong Sabado, ika-siyam ng Abril na ikinasawi ng may 18 kawal at ikinsugat ng may 50 iba pa.
Una ng nakiramay si G. Binay sa mga naulila ng mga nasawi at nagsabing isang pangangailangan ng pamahalaan upang tugunan ang lubhang kahirapan sa rehiyon. Kailangan umanong masugpo ang kahirapan na siyang ugat ng kawalan ng kapayapaan sa rehiyon.
Hindi kailanman makikipag-usap ang pamahalaan sa mga grupong tulad ng Abu Sayyaf sapagkat kailangang harapin ang mga lumalabag sa batas at mawaksan ang kanilang mga pagpapahirap sa mga mamamayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |