|
||||||||
|
||
Philippine Red Cross, nakabili ng barko
MAY sarili ng sasakyang-dagat ang Philippine Red Cross. Ani PRC Chairman Richard Gordon, nabili nila ang barko upang magamit sa pagtulong sa mga nasalanta ng mga trahedyang madalas dumaan sa Pilipinas.
Ayon kay Chairman Gordon, mayroong 22 hanggang 26 na bagyo ang dumadaan sa Pilipinas at nagkakaroon ng 170 sakuna sa karagatan, lindol, sunog, pagguho ng lupa at pagsabog ng mga bulkan. Nadaragdaran pa ang pangangailangan ng mga mamamayn sa pagkakaroon ng mga sagupaan ng mga armado sa kanayunan.
Tumagal umano ng apat na araw bago nakatugon ang Philippine Red Cross matapos humagupit ang bagyong "Yolanda" sa kawalan ng mga sasakyang-dagat.
Nabili ng Philippine Red Cross ang MV Susitna, isang 195-talampakang military prototype vessel na ginagamit sa pagitan ng Point MacKenzie at Anchorage sa Alaska.
May tatlong taon ng ipinagbibili ang sasakyang-dagat at nabili ng PRC sa halagang US$ 1.75 milyon. Napakababa ng halaga nito kaysa inasahan ng may-ari.
Nakipagkasundo na ang Philippine Red Cross sa Maritime Academy of Asia ang the Pacific sapag-aalaga at pagkakaroon ng mga tauhan ng barkong maglilingkod sa mga mamamayan ng Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |