|
||||||||
|
||
MIsyonero, nagdokumento ng mga biktima ng Davao Death Squad
NADOKUMENTO ANG MGA BIKTIMA NG DAVAO DEATH SQUAD. Ito ang pahayag ni Fr. Amado Picardal, CSSR, isang misyonero na dating tagapagasalita ng Coalition Against Summary Executions sa Davao City. Handang humarap si Fr. Picardal sa anumang ahensyang mag-iimbestiga sa mga krimeng nag-ugat umano sa liderato ni Mayor Rodrigo Duterte. (Melo M. Acuna)
HUMARAP si Fr. Amado Picardal, isang misyonero ng Congregation of the Most Holy Redeemer sa CBCPNews at nagdala ng kanyang ulat hinggil sa mga naging biktima ng Davao Death Squad mula noong 1998 hanggang Disyembre ng 2015.
Si Fr. Pics, kung tawagin ng mga kaibigan, ay nagsabing naglingkod siya bilang tagapagsalita ng Coalition Against Summary Executions – Davao at may mga pakikipag-ugnayan sa mga naulila ng mga napaslang.
Mula noong 1998 hanggang 2015, umabot na umano sa 1,424 ang napaslang ng Davao Death Squad at maituturing nang Mass Murder. Sa bilang na binanggit ni Fr. Picardal, may 1,367 ang lalaki at may 57 babae. Mayrooong 132 mga bata na wala pang 17 taong gulang, 126 na batang lalaki at anim na babae. Ang binakabata ay 12 taong gulang na batang lalaki at isang 15 taong gulang na batang babae. May isang siyam na taong gulang na batang lalaki na nasawi dahil sa ligaw na bala.
May 476 na napaslang na mula 18 hanggang 25 taong gulang na kinabibilangan ng 466 na lalaki at 19 na babae. Ang mga nasa edad na anapaslang o 26 na taong gulang patraas ay 612 na mayroong 466 na lalaki at 28 babae. May 201 iba pang napaslang na hindi nabatid ang edad.
Karamihan ng mga biktima ay mula sa mahihirap na lugar sa Davao City mula sa Buhangin, Agdao, Bangkerohan, Boulevard, Matina at Toril.
Naniniwala si Fr. Picardal na dapat mabatid ng daigdig ang mga pangyayaring ito sa Davao sa ilalim ni Mayor Rody Duterte na ngayo'y tumatakbo sa pagkapangulo ng bansa.
Handa umanong humarap sa magsisiyasat na lupon si Fr. Picardal sapagkat nagawa na niya ang pagdodokumento ng mga krimeng naganap sa Davao. May ulat na ring nakarating sa Commission on Human Rights.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |