|
||||||||
|
||
Pito katao ang nasawi at isa ang nasugatan ilang oras bago nagsimula ang botohan sa Cavite.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nabatid nila ang insidente sa pamamagitan ng kanilang tanggapan. Isang ambush ang naganap sa Rosario, Cavite ayon kay P/Supt. Rommel Javier na nakapanayam naman ng mga tagapagbalita.
Nagmula umano ang putok sa isang jeep at dalawang motorsiklo sa Barangay Wawa 3, Rosario, Cavite may sampung minuto makalipas ang hatinggabi. Ayon sa pulisya, wala pang saksi na magtuturo kung sino ang nasa likod ng pananambang sa hangganan ng Tanza at Rosario.
Pawang mga basyo ng bala ang natagpuan sa pook at wala pang nababatid na motibo ng pananambang.
Ayon kay Chief Inspector Jonathan del Rosario, naganap ang pananambang sa isang "area of concern" dahilan sa mainitang pagtutunggali ng mga politiko.
Naunang lumabas ang balita na may 15 katao na ang napaslang sa election-related incidents mula noong ika-siyam ng Enero.
Wala pang detalyes ng pagkakakilanan sa mga biktima samantalang isinusulat ang balitang ito. Hindi rin kinilala ang nasugatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |