|
||||||||
|
||
Sa Lipa City, iniulat ilang mga botante ang nabigyan sang sako-sakong bigas na may kasabay na salapi na nagkakahalaga ng P 1,500 hanggang P3,000. Ang mga daliri ng mga botante ay nilalagyan ng tinta sa oras na matanggap ang "biyaya."
May mga presintong nagbukas ng huli sa ika-anim ng umaga tulad ng naganap sa Ragayan Elementary School sa Iligan City sapagkat nasunog ang paaralan kagabi. Sa Alabang Elementary School, nagmula ang botohan sa ganap na ika-pito ng umaga sa pag-aakala ng mga guro na talagang ika-pito ng umaga ang bukas ng botohan.
Tulad ng mga nakalipas na halalan, may mga nabalitang nawawalang mga pangalan sa voters lists.
Sa Lungsod ng Pasay, lumabas din na may namamahagi ng salapi noon pang Biyernes nang gabi at umaabot sa P 1,000 bawat botante. Kahit pa may mga lumalabas na balitang ganito, wala namang nagrereklamo.
Mayroong higit sa isang daang foreign observers ang dumating sa Pilipinas upang magmasid sa pagdaraos ng halalan.
Sa panig ni Police Director General Ricardo C. Marquez na mayroong mga tauhan ng pulisyang nakatalaga sa 92,509 na clustered precincts sa buong bansa at handang tumulong sa Board of Election Inspectors at sa may 54 na milyong mga botante.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ni Director General Marquez na naniniwala silang napaghandaan nila ang halalan ngayong araw na ito.
Mayroong contact ang PNP General Headquarters sa lahat ng kanilang regional director na mangangasiwa sa security operations sa mga lalawigan. May bisa ang gun ban hanggang ika-walong araw ng Hunyo samantalang bawal pa rin ang alak hanggang hatinggabi mamaya.
Kasama ang may 160,000 pulis sa buong bansa na nananalanging magkaroon ng maaayos na halalan hanggang sa maproklama ang mga nagwaging kandidato sa pinakamadaling panahon.
Ibinalita rin ni Chief Supt. Wilben Mayor, umabot na sa 4,409 katao ang kanilang nadakip hanggang kaninang ikap-pito't kalahati ng umaga. Sa bilang na ito, may 3,972 ang mga sibilyan, 33 ang mga pulis, 18 ang mga kawal, dalawang bumbero, 32 mga halal na opisyal at mga kawani ng pamahalaan, 50 security guards, 3 CAFGU, may pitong iba pang alagad ng batas, 22 mga kalaban ng pamahalaan at 10 kasapi ng private armed groups.
MGA BANYAGA DUMATING SA PILIPINAS. Nagmula sa iba't ibang bansa ang mga nagmamasid sa halalan sa bansa ngayon. Magmula sa iba't ibang samahan at pamahalaan, makikita ang kanilang mga identification cards mula sa Comelec upang makaikot sila sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Magbabahagi sila ng kanilang pananaw at karanasan sa halalan bago sila umuwi sa kani-kanilang mga bansa. (Melo M. Acuna)
Nakasamsam naman sila ng 1,110 mga pistola at 1,010 na mga revolver, 154 riple, 153 shotgun.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |