May 107 katao ang nadakip sa paglabag sa liqour ban. May 65 ang nadakip sa Metro Manila at 18 sa Eastern Visayas.
May naitalang limang election related incidents sa Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Tarlac. Apat ang naitala sa Region II sa Cagayan at Jones sa Isabela, tatlo sa Region 1, sa Pangasinan at Cervantes sa Ilocos Sur. May pitong nnabalita sa Central Visayas sa Cebu at Bohol. May dalawang mga isnidente sa Misamis Occidental, Malabon City at sa Cordillera sa Abra at may tig-isa sa Zamboanga Peninsula at Bicol Region.
May tatlong bayang nilagyan ng mga pulis bilang kasapi ng Board of Election Inspectors, ito ay sa Nunungan, Munai at Pnatar sa Lanao del Norte.
May walang insidente ng pamimili ng boto sa Cagayan, National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa at Ilocos Region.
Magtatapos ang botohan sa ganap na ika-lima ng hapon subalit maaaring umabot pa ng ika-anim ng gabi kung mayroong mga taong nasa loob ng 30 metro mula sa polling precinct.
1 2 3 4 5