|
||||||||
|
||
Sa panig ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta, chief ng Public Attorney's Office, wala pang botante, guro at iba pang taong dumudulog sa kanilang mga abogado sa mga isyung may kinalaman sa halalan.
Kaninang umaga, napuna na mayroong mga taong hindi nakasama sa talaan ng mga botante subalit inaalam na ng mga guro ang kaukulang aksyon upang makaboto ang mga residente ng Quezon City.
PILA, KARANIWAN NA. Matiyagang naghihintay ang mga botanteng makapasok sa kanilang mga presinto upang makaboto. Tumatagal ng halos kalahating oras ang mga pagpila sapagmat maraming mga botante ang maagang nagtungo sa kanilang mga paaralan upang makaiwas sa init ng panahon. (Melo M. Acuna)
Mayroon ding nabalitang mga makinang hindi tumatanggap ng balota. Mayroon ding ulat sa media na hindi magkatugma ang basa ng vote counting machines sa balota.
Matatagpuan ang mga botante sa 18 rehiyon na binubuo ng 81 lalawigan, 235 distrito, 144 na lungsod at 1,490 bayan at 42,036 na barangay.
Mayroong limang kandidato sa pagka-pangulo at anim na kandidato sa pangalawang panguluhan. Para sa 12 puwesto sa pagka-senador, umabot naman sa 50 ang kandidato na kinabibilnangan ng mga dating senador, mga retiradong heneral, mga pinuno ng non-government organizations at iba pang propesyunal.
Sa likod ng panawagan ng mga pinuno ng Commission on Elections at ng Simbahang Katolika at iba pang pananampalataya na panatiliing malinis ang halalan ay lumalabas ang mga balitang namimili ng boto ang ilang mga kandidato. Sa Catanduanes ay lumalabas sa mga mamamahayag na mula P 500 hanggang P 900 sa bawat botante.
Ayon sa Lente, isang non-government organization na nagbabantay sa halalan, mula kagabi, nakatanggap sila ulat hinggil sa pamimili ng boto, paglabag sa gun ban, paglabag sa batas hinggil sa pangangampanya at 'di pagkakabatid ng karamihan sa mga kautusan ng Commission on Elections.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |