Katiwalian at droga, prayoridad ng susunod na pamahalaan
TINIYAK ni Atty. Vitaliano Aguirre, ang napiling Secretary of Justice ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mga usaping may kinalaman sa katiwalian at droga ang kanilang prayoridad.
Binanggit din niya ang paglilinis sa New Bilibid Prison at ang pagsisiyasayat sa pork barrel anomalies ang kabilang sa mga prayoridad ng susunod na pamahalaan. May ilan pang kautusang nagmula kay G. Duterte, dagdag pa ni Atty. Aguirre.
Ang mga usaping nasa Department of Justice ay kinabibilangan ng mga pinapanagot na kasapi ng Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at pricate armed groups na sangkot sa Mamasapano. Kabilang pa sa mga usaping ito ang Tagum Death Squad, money laundering cases laban sa mga taong sangkot sa paglilipat ng US$ 80.9 milyon ninakaw ng hackers mula sa Central Bank of Bangladesh patungo sa Pilipinas.
1 2 3 4