Bagong sugo ng America sa Pilipinas, pinangalanan
IBINALITA ng White House na magkakaroon na ng bagong American ambassador sa Pilipinas matapos ihayag ni Pangulong Barack Obama na kanyang hinirang ang dating American ambassador sa South Korea.
Ikinalulugod ni Pangulong Obama na pangalanan si Sung Y. Kim bilang US Ambassador to the Philippines. Naglingkod na siya sa US foreign service at special representative para sa North Korea Policy. Dating Deputy Assistant Secretary sa Bureau of East Asia and Pacific Affais sa Department of State mula noong 2014.
Naglingkod siya bilang Amabssador ng America sa South Korea mula 2011 hanggang 2014. Lumahok siya sa US Foreign Service mula noong 1988 at nakapaglingkod na sa Hong Kong, Malaysia at Japan.
Special envoy siya sa Six Party Talks mula 2008 hanggang 2011, director ng Office of Korean Affairs sa Bureau of East Asia and the Pacific Affairs mula 2006 hanggang 2008 at political-military chief sa US Embassy sa Seoul, Korea mula 2002 hanggang 2006.
1 2 3 4