|
||||||||
|
||
Pagpili ng gabinete ni Davao Mayor Rodrigo Duterte, mahalaga
NANINIWALA si dating National Treasurer Prof. Leonor Magtolis Briones ng SocialWatch Philippines, na mahalaga ang ginagawang pagpili ng mga makakabilang sa gabinete sa ikapagtatagumpay ng pamahalaan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.
May 6,000 iba pang tauhan sa burukrasya ang kailangan ng susunod na pamahalaan.
Idinagdag pa ni Prof. Briones na ang mga kasapi ng gabinete ang siyang may responsibilidad na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan. Sila rin ang inaasahang maghahatid ng basic services kaya't kailangang maging mga propesyunal at dalubhasa sa kanilang mga gawain.
Hindi inaasahan ang isang pangulong nakababatid ng lahat tulad ng pagsasaka, ekonomiya, edukasyon at iba pang mahahalagang paksa subalit makatutugon siya sa pamamagitan ng mga dalubhasang kasama niya sa gabinete.
Kailangangn maging handa silang magpatupad ng batas, ipagsanggalang ang Saligang Batas at mahalagang tanggap sila ng kanilang sektor na paglilingkuran.
Idinagdag pa ni Prof. Briones na ang pagbibigay ng amnesty at apat na mahahalgang posisyon sa gabinete sa Communist Party of the Philippines ay magiging lehitimo matapos ang matagumpay na negosasyon para sa amnesty. Inaasahang magkakaroon ng mga kondisyon mula sa magkakabilang panig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |